KAALAMAN PINALAKAS SA MARITIME PARTNERSHIP EXERCISE NG PH, INDIA
IDINAAN sa palitan ng kaalaman at pagsasanay ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at India.
Ikinasa ng dalawang bansa ang Maritime Partnership Exercise sa West Philippine Sea para sa kumpletong kaalaman at pagpapalakas ng kooperasyon at relasyon.
Sabay at magkasamang naglayag ang barkong BRP Ramon Alcaraz ng Pilipinas at INS Kadmatt ng India.
Dumaong noong Martes Disyembre 12, sa Port of Manila ang INS Kadmatt Indian Navy, isang uri ng anti-submarine corvette na gawang India na kargado ng mga missiles, torpedo, at iba pang mga teknolohiya.
Sa operational turnaround, ibinahagi ni Indian Ambassador Shambhu Kumaran ang suporta nito sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na tensyon sa WPS at ang pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea.