K TO 10 CURRICULUM TARGET NG DEPED NA SIMULAN SA SY 2024-2025
TARGET ng Department of Education na simulan ang K to 10 curriculum sa School Year 2024-2025.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, kumakalap ang ahensiya ng feedback mula sa publiko sa draft ng K to 10 curriculum na naka-post sa kanilang mga opisyal na social media pages.
“Ang gusto nating makuha talaga lahat ng comments ng public ma-consider pa natin para ma-tweak pa natin further iyong K to 10 curriculum. Once these comments are collated, we are looking to roll out na po iyong ating K to 10 for implementation not this coming school year pero sa 2024-2025. Iyon po iyong ating target,” sabi ni Poa.
Samantala, ang pagrepaso sa Senior High School curriculum ay nasa consultation stage na.
Ani Poa, susundan ito ng review proper, revision, at ng pagpapalabas sa release draft curriculum para sa transparency.
Isinasapinal na rin ng DepEd ang school calendar para sa susunod na SY 2023-2024.