Nation

K-12 GRADUATES ‘WAG I-DISCRIMINATE SA TRABAHO  — SOLON

/ 13 October 2021

ISINUSULONG ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ang panukala na magbabawal sa employment discrimination sa mga nagtapos ng K to 12.

Sa kanyang House Bill 10304 o ang proposed K to 12 Graduates Empowerment Act, nais ni Vargas na buksan ang mas marami pang oportunidad sa mga estudyanteng nakatapos ng Senior High School subalit walang sapat na kakayahang magpatuloy sa higher education.

Ipinaliwanag ni Vargas na dahil sa implementasyon ng K to 12 Basic Education Program ng Department of Eductaion, asahan na ang mga high school graduate ay mas comptent kumpara sa mga nakaraang panahon.

“The K to 12 curriculum is standard and competency-based and is built around the needs of the learners and the community,” pahayag ni Vargas sa kanyang explanatory note.

Idinagdg pa ng mambabatas na kapansin-pansin na iilan lamang ang opsiyon para sa mga senior high school graduate dahil pa rin sa ‘stigma’ at diskriminasyon.

“Some employers require entry level employees to have college degree or be enrolled in college, regardless of whether the degree is related to the job opening before they can apply,” dagdag pa ni Vargas.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang notice advertisement na may limitasyon o diskriminasyon sa mga graduate ng K to 12 Program.

Ipagbabawal din ang pagtanggi sa isang K to 12 graduate dahil sa kawalan ng college degree o unit maliban na lang kung ito ay may kinalaman sa job opening.

Saklaw rin ng pagbabawal ang diskriminasyon pagdating sa suweldo, terms and condition at mga pribilehiyo sa K to 12 graduates.