K-12 GRADUATES SWAK SA PNP
SA LAYUNING mabigyan ng mas malawak na oportunidad ang mga kabataang graduate ng K-12 program, isinusulong ni Senadora Grace Poe ang panukala na magpapahintulot na makapasok ang mga ito sa Philippine National Police.
SA LAYUNING mabigyan ng mas malawak na oportunidad ang mga kabataang graduate ng K-12 program, isinusulong ni Senadora Grace Poe ang panukala na magpapahintulot na makapasok ang mga ito sa Philippine National Police.
Sa Senate Bill 1486, sinabi ni Poe na mahalaga ang papel ng kabataan sa nation-building at mandato ng estado na protektahan ang kanilang pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal at social being.
Idinagdag pa ni Poe na kailangan ding itanim sa kabataan ang pagiging makabayan at hikayatin ang mga ito na makiisa sa public at civic affairs.
Alinsunod sa panukala, pinaaamyendahan ni Poe ang General Qualifications Appointment sa PNP sa ilalim ng Republic Act 6975 at inamyendahan ng Republic Act 8551.
Sa kasalukuyan, ang kuwalipikasyon para matanggap sa PNP ay kinakailangang Filipino, may good moral conduct, makakapasa sa psychiatric/psychological, drug and physical tests ng PNP o ng anumang Napolcom accredited government hospital at pasok sa standards ng komisyon;
Kinakailangan ding hindi dishonorably discharged sa anumang military employment, hindi convicted sa anumang krimen at taglay ang iba pang pisikal na kuwalipikasyon.
Sa panukala ni Poe, aamyendahan ang kuwalipikasyon na kinakailangang may baccalaureate degree mula sa recognized learning at tatanggapin ang mga nakatapos ng K-12 Enhanced Education Program.
Sa ganitong paraan, naniniwala si Poe na mas marami sa K-12 graduates ngayon ang mabibigyan ng mas maraming oportunidad at matitiyak ang kanilang pagiging makabayan.