JUNIOR HS LEARNERS SA CALOOCAN MAY EDUCATIONAL ASSISTANCE MULA SK
INANUNSIYO ng Sangguniang Kabataan sa Brgy. Deparo, Caloocan na maging ang mga Junior High School student ay benepisyaryo ng educational assistance.
Sa post sa kanilang official Facebook page na SK Barangay 168, maaari nang mag-apply para sa P500 educational assistance ang mga mag-aaral na nasa Grade 7 hanggang Grade 10.
Ang nasabing cash aid ay mula mismo sa SK ng Brgy. Deparo na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemya.
Panawagan ng SK Deparo na tanging mga magulang at guardian lamang ang puwedeng magpasa ng requirements dahil bawal pa lumabas ang mga below 18 years old.
Maaari na ring magpasa ng requirements simula Hunyo 16 upang maka-avail ng slot.
Ang maaari lang mabigyan ay lehitimong nakatira sa nasabing barangay, kasalukuyang naka-enroll at nakapag-fill up ng application form na matatagpuan ang link sa kanilang FB page.
Para sa mabilis na release ng ayuda, magpakita ng proof of enrollment, barangay clearance para sa mga magulang at 2 X 2 picture ng estudyante na ipapasa sa SK official.