Nation

JOVITO SALONGA SCHOOL BUILDING SA PASIG PINASINAYAAN

/ 27 June 2022

PINANGUNAHAN nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Rep. Roman Romulo ang pagpapasinaya sa bagong school building na ipinangalan kay dating Senate President Jovito Salonga sa Pasig Elementary School kamakailan.

“New government buildings in Pasig are now being named after prominent Pasigueños who who have passed away at least 10 years ago,” sabi ni Sotto sa kanyang Facebook post.

“Goodbye to the old practice of naming buildings after incumbent politicians,” dagdag pa ng alklade.

Sinabi rin ng alkalde na kanilang iaanunsiyo ang pangalan ng iba pang mga school building sa lungsod sa Araw ng Pasig sa Hulyo 2.

Pinasalamatan din ni Sotto si Congressman Romulo, ang Department of Public Works and Highways, Department of Education, mga opisyal ng Pasig Elementary School, at ang Salonga family.

Namatay si Salonga noong Marso 10, 2016 sa edad na 95. Ipinanganak siya noong Hunyo 22, 1920 sa Pasig City.

Kilala bilang kampeon ng demokrasya sa bansa, isa si Salonga sa mga matinding kritiko at oposisyon noong panahon ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos. Naging Senate president siya mula 1987 hanggang 1992.