Nation

JANUARY 24 BILANG NATIONAL EDUCATION DAY LUSOT NA SA 2ND READING SA KAMARA

/ 6 February 2021

INAPRUBAHAN na sa 2nd reading ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na pagdedeklara sa January 24 ng bawat taon bilang Internation Day of Education.

Ang House Bill 8586 o An Act Declaring the 24th of January every year as International Day of Education ay isinusulong ng House Committee on Basic Education, Culture and Arts.

Layon ng panukala na kilalanin ang mahalagang papel ng edukasyon sa pagkakaroon ng sustainable at resilient societies.

Pagkilala na rin ito sa International Day of Education na ipinagdiriwang tuwing January 24.

Kabilang sa probisyon ng panukala ang promosyon ng mga aktibidad para sa edukasyon na pangungunahan ng Department of Education, katuwang ang Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority at Presidential Communications and Operations Offce.

Nakasaad din sa panukala ang paghimok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, kolehiyo, unibersidad na suportahan at makiisa sa lahat ng aktibidad sa pagdiriwang ng National Day of Education.