ISTRIKTONG HEALTH PROTOCOLS VS COVID-19 IPINATUTUPAD NG NHCP
BAGAMAN kamakailan ay hinikayat ng National Historical Commission of the Philippines ang publiko, lalo na ang mga mag-aaral na bisitahin ang iba’t ibang museo upang mapalawak ang kaalaman sa kasaysayan at kultura ng bansa, aminado ang pamunuan nito na sa ngayon ay mabibigo pa rin silang dagsain.
Ito ay kasunod ng ulat ng Department of Health na sumisirit pa ang kaso ng Covic19 na pinangangambahan ng ilan na maging hudyat ng paghihigpit sa galaw ng publiko.
Sa kanilang Facebook page ay inanunsiyo ng NHCP noong Marso 2 na bukas na ang kanilang museo at inaanyayahan ang pagsilip ng mga mag-aaral at kabataan upang maraming matutunan sa kasaysayan ng bansa subalit dapat sumunod sa health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force.
Ang malaking bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng modified community quarantine na nangangahulugang 75 porsiyento ng ekonomiya ay bukas kung saan kasama ang mga museo at recreational center sa pinayagang magbukas.
Paglilinaw naman ng pamunuan ng NHCP na nakatutok sila sa mga guidance ni Pangulong Rodrigo Duterte at nagpapatupad ng istriktong health protocols para maiwasan ang pagkakahawa-hawa sa Covid19.