ISKOLAR NA RIN SINA TITSER? ALOK NG CHED SA MGA GURO NA MAWAWALAN NG TRABAHO
NILINAW ni Commission on Higher Education Chairperson Prospero de Vera III na wala umanong mandato ang Komisyon na tulungan ang mga private schools na 'financially incapable' na ipagpatuloy ang operasyon sa gitna ng krisis dulot ng pandemya.
NILINAW ni Commission on Higher Education Chairperson Prospero de Vera III na wala umanong mandato ang Komisyon na tulungan ang mga private schools na ‘financially incapable’ na ipagpatuloy ang operasyon sa gitna ng krisis dulot ng pandemya.
“Under the CHED Law, hindi mandato o hindi kapangyarihan ng CHED na asistihan iyong mga universities kapag ang pinag-uusapan iyong kanilang operations,” sabi ni De Vera sa isang virtual press briefing.
Ayon sa kanya, ang maitutulong lamang ng Komisyon sa mga private schools ay tulungan halimbawa ang kanilang mga guro sa kanilang scholarship program, sa graduate school, tulungan ang kanilang mga estudyante.
“Pero iyong operations ng isang private university, hindi pupuwedeng gawin ng Komisyon iyan dahil hindi siya legally mandated to do that,” sabi De Vera.
“So ang isang gagawin ng Komisyon, iyong aming mga existing scholarship program sa graduate school ang puwedeng gawin ay i-prioritize iyong mga mawawalan ng trabaho na mga faculty para kung magkaka-rehiring after sometime at least mas maganda ang kanilang credentials. Iyan ay puwede naming tulungan iyong displaced faculty ng mga private universities,” dagdag pa ng Kalihim.
Bagama’t walang eksaktong bilang ng mga unibersidad o pamantasan na nagsara bunsod ng pandemyang ito, sinabi kamakailan ng ilang grupo at asosasyon ng mga private schools na maraming guro ang nanganganib na mawalan ng trabaho kung magsasara ang ilang paaralan dahil sa pandemya.