Nation

ISA PANG CAMPUS NG USTP IPINATATAYO

/ 9 August 2021

ISINUSULONG ni Cagayan de Oro 1st District Rep. Klarex Uy ang pagtatayo ng isa pang campus ng University of Science and Technology of Southern Philippines sa kanilang lungsod.

Sa kanyang House Bill 9653, sinabi ni Uy na dapat magkaroon ng panibagong campus ang unibersidad sa Baranagy Lumbia, Cagayan de Oro City.

Ipinaliwanag ni Uy na ang Barangay Lumbia ay isang fast-growing barangay kung saan matatagpuan ang maraming business establishments, government institutions at private offices.

“Being accessible and affordable to all, the establishment of the USTP-Lumbia Campus will encourage the young individuals to realize their dreams of acquiring quality education,” pahayag ni Uy sa kanyang explanatory note.

Naniniwala rin ang kongresista na ang campus ay magandang lugar para sa training at pag-develop ng potential leaders sa lugar.

Sa ilalim ng panukala, magkakaloob ang USTP-Lumbia campus ng short-term technical at vocational education, undergraduate at graduate courses.

Magsasagawa rin ang campus ng research at extension services at iba pang aktibidad para sa socio-economic development.