Nation

IP LEARNERS PINARE-RESCUE NI DUTERTE

/ 2 March 2021

MAKARAAN ang kabi-kabilang pagsuko ng mga rebelde, ang mga indigenous peoples learner naman ang tututukan ng pamahalaan.

Ayon kay Philippine National Police Chief, General Debold Sinas, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na iligtas ang mga katutubong mag-aaral ng Salugpungan schools.

Ang Salugpungan schools ay karaniwang ginagamit ng umano’y New People’s Army-Communist Party of the Philippines  para magturo sa mga Lumad ng tungkol sa kanilang idelohiya.

Labis na nangangamba ang pamahalaan dahil naaabuso ang kaisipan ng mga kabataan at maagang nalalantad sa karahasan.

Ang pahayag ni Sinas ay kasunod ng pagsagip ng PNP sa 19 Lumad learners sa isang retreat house sa Cebu City noong Pebrero 15.

“Iniutos ng Pangulong Duterte na iligtas ang mga IP learners sa Salugpungan schools, at kami ay tatalima,” ayon kay Sinas.