Nation

INTERNSHIP PROGRAM NG DOH IKINASA PARA SA MAHUSAY NA TRABAHO SA GOBYERNO

/ 18 February 2024

MULING binuksan ng Department of Health ang Government Internship Program na nag-aalok ng mga pagsasanay at pagkakataon sa mga kabataan na naghahangad ng kaalaman at kasanayan sa pagtatrabaho sa gobyerno.

Target ng programa ang mga kabataan na may edad 18 hanggang 25, na mula sa iba’t ibang educational background, partikular na ang mga first-time GIP beneficiary.

Maaaring ma-access ng mga aplikante ang mga kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng pagbisita sa link na naka-post sa Facebook page ng DOH.

Tatanggap ang ahensiya ng applications mula Pebrero 19 hanggang 23 na maaaring isumite sa DOH Health Human Resource Development Bureau o sa pamamagitan ng email sa gip@doh gov.ph.

Sakaling mapabilang sa mga matagumpay na aplikante, kinakailangang mag-report sa DOH Central Office tatlong beses kada linggo, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa HHRDB – Learning and Development Division ng kagawaran sa telepono bilang (02) 8651-7800, locals 4250 hanggang 4253.