Nation

INTER-UNIVERSITY COMMITTEE PARA SA FILIPINO SIGN LANGUAGE STUDIES PROGRAM PINABUBUO

/ 28 November 2020

PAG-AARALAN ng technical working group ng House Committee on Higher and Technical Education ang posibilidad ng pagkakaroon ng inter-university committee para sa pagsusulong ng Filipino Sign Language Studies Program.

Sa hearing ng komite na pinangunahan ni Baguio Rep. Mark Go, tinalakay ang House Bill 7752 o ang proposed Filipino Sign Language Studies Program Act ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas.

Sa pagdinig, kinumpirma ng University of the Philippines na nagsimula na rin silang mag-alok ng kurso para sa Filipino Sign Language sa kanilang undergraduate at graduate programs.

Sinabi naman ni Go na mas makabubuti kung magkakaroon ng Inter-University Committee na maglalatag ng iisang programa sa pagpapatupad ng Filipino Sign Language course.

Layon ng panukala ni Vargas na matiyak ang dekalidad na edukasyon para sa lahat.

“Education and sign language are important elements in eliminating barriers to inclusivity and setting the foundations for the integration of persons who are deaf into mainstream society,” pahayag ni Vargas sa kanyang explanatory note.

Inoobligahan sa panukala ang lahat ng state universities and colleges na magkaroon ng college at post-graduate studies para sa Filipino Sign Language studies and its cultural society at magbigay ng insentibo sa mga estudyante nito.