INTEGRATED SCHOOL SA RESETTLEMENT AREA SA CAVITE IPINATATAYO
ISINUSULONG ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla ang pagtatayo ng isang integrated school sa medium-rise housing project o resettlement area sa Bacoor, Cavite.
Sa Senate Bill 1901, ipinanukala ni Revilla ang pagtatayo ng Ciudad de Strike Integrated School sa Barangay Molino I.
“Ciudad de Strike is a medium-rise housing project/resettlement for affected informal settler familes residing along danger areas in greater Manila Area. It is envisioned to become a community with complete and accessible basic services especially education for the affected families,” pahayag ni Revilla sa knayang explanatory note.
Sinabi ni Revilla na sa pamamagitan ng Ciudad de Strike Integrated School ay makapagbibigay ng dekalidad na edukasyon, hindi lamang sa Ciudad de Strike community kundi maging sa iba pang barangay.
Kabilang na rito ang mga barangay Molino 1, Molino 2, Molino 3, Molino 4, Molino 5, Molino 6, Molino 7, Bayanan, San Nicolas 1, San Nicolas 2 at San Nicolas 3 sa lungsod ng Bacoor.
Ang Bacoor ay may kabuohang populasyon na 600,609 batay sa census ng Philippine Statistics Authority noong 2015 at sa Molino area lamang ay nasa 194,434 ang mga nakatira.
“It is the duty of the State to provide an accessible, complete, adequate and integrated quality education to the youth because of their vital role in nation-building,” paalala pa ni Revilla sa kanyang explanatory note.