IMBESTIGASYON NG CHR SA PAGPASLANG SA ISANG ESTUDYANTE GUMULONG NA
NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights sa pagpaslang sa isang estudyante ng isang non-uniformed police personnel sa Davao City.
Ayon kay CHR executive director Jacqueline de Guia, nakitaan ng magkakaibang pahayag sa pagkamatay ni Amierkhan Mangacop, 19, na nabaril makaraan ang kaguluahn sa isang bar noong Hulyo 2.
Ang suspek ay isang doktor at non-uniformed personnel ng Philippine National Police sa Davao region.
“CHR’s independent investigation seeks to help establish the truth amid competing narratives from both sides. One point of inquiry is why a non-uniformed personnel is carrying a firearm outside his residence, particularly while drinking in a bar,” ayon kay De Guia.
Itinanggi ng mga naulila ni Mangacop na nabaril ang biktima makaraang atakihin nito ang doktor at sinabing nagpunta lamang ito sa bar kasama ang iba pa para lamang sunduin ang pinsan.