ILANG PRIVATE SCHOOLS POSIBLENG MAGSARA SA PAGBABAWAL SA ‘NO PERMIT, NO EXAM’ POLICY
NANGANGAMBA ang Coordinating Council of Private Educational Associations na ilang pribadong eskuwelahan ang magsasara kapag naisabatas ang panukalang total ban sa ‘No permit, No Exam’ policy.
NANGANGAMBA ang Coordinating Council of Private Educational Associations na ilang pribadong eskuwelahan ang magsasara kapag naisabatas ang panukalang total ban sa ‘No permit, No Exam’ policy.
Ayon kay Atty. Kristine Carmina Manaog, spokesperson ng grupo, dapat isaalang-alang ng mga mambabatas ang kapakanan ng mga private school at estudyante sa pag-apruba sa House Bill No.7584 at Senate Bill No.1359 o ang total ban sa ‘No Permit, No Exam‘ policy upang makamit ang dekalidad na edukasyon.
Tinukoy ni Manaog ang pinakabagong pag-aaral ng COCOPEA sa 27 pribadong paaralan na aabot lamang sa pitong buwan ang pondo ng private school administrators para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.
Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng COCOPEA na kapag naipatupad ito ay aabot na lamang ng 2 buwan ang pondo ng private schools upang maayos na mapatakbo ang kanilang mga paaralan.
Tiniyak ni Manaog na kahit umiiral ang “No Permit, No Exam’ policy ay nagbibigay pa rin ang mga private school ng pagkakataon sa mga estudyante na magbigay ng ‘promissory note’ upang pahintulutang makakuha ng pagsusulit.