Nation

ILANG ISKUL SA NCR BALIK F2F CLASSES NA

ILANG local government units sa National Capital Region ang nag-anunsiyo na balik na sa face-to-face classes ang mga estudyante at guro dahil sa maagang pagtatapos ng transport strike.

/ 9 March 2023

ILANG local government units sa National Capital Region ang nag-anunsiyo na balik na sa face-to-face classes ang mga estudyante at guro dahil sa maagang pagtatapos ng transport strike.

Sa isang advisory, inihayag ng Quezon City, Pasig City, Malabon City, Las Pinas, at Paranaque City na magpapatuloy ng face-to-face classes sa Huwebes, Marso 9.

Ito ay matapos tapusin ng mga operator at driver ng jeepney ang kanilang transport strike

Inihayag din ng Ateneo de Manila University ang pagpapatuloy ng onsite classes sa Loyola Schools mula Marso 9 hanggang 11 kasunod ng pagtatapos ng nationwide transport strike.

Noong Martes ng gabi, inanunsiyo ng mga transport group ang pagwawakas ng dapat sana’y isang linggong tigil-pasada matapos silang makipagpulong sa Presidential Communications Office.

Ikinasa ng ilang transport groups ang nationwide strike bilang protesta sa Public Utility Vehicle Modernization Program.