ILANG BATANG ‘SINAGIP’ SA BAHAY-AMPUNAN NAKARANAS NG PANANAKIT
ISANG video footage ang iprinisinta ni National Authority for Child Care Executive Director Undersecretary Janella Estrada sa Senado na nagpapakita ng pagkukuwento ng ilang batang sinagip mula sa Gentle Hands Orphanage hinggil sa pananakit sa kanila sa ampunan.

Ang footage ay ipinakita ng opisyal sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Family Relations and Gender Equality kung saan tinukoy ng mga bata ang isang Kuya Eddie na namamalo sa kanila ng tsinelas, habang ang iba ay nakaranas ng panununtok at pananampal.
Tiniyak naman ni Estrada na sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan ang 79 bata dahil mas napapakain na sila nang maayos, napapaliguan, nakakapag-aral at nakapaglalaro nang malaya.
Samantala, kinumpirma ni Atty. Tina Balajadia, legal counsel ng Gentle Hands, na kilala niya ang Kuya Eddie na tinutukoy ng mga bata.
Subalit hindi niya alam ang sumbong ng mga bata bagama’t may pagkakataon na napagalitan ni Kuya Eddie ang dalawang bata dahil sa pag-aaway nila na nauwi pa sa sakitan.
Isang video din naman ang ipinarinig ni Balajadia sa komite kung saan mapakikinggan na ilang bata ang nagsusumbong na tinuturuan silang gumawa ng mga kuwento na sinasaktan sila sa ampunan upang hindi sila pauwiin sa Gentle Hands.
Humingi naman ng guidance si Senador Risa Hontiveros sa Commission on Human Rights kung paano ie-evaluate ang magkaibang impormasyon mula sa dalawang panig.