IBP SA SC: BAR EXAM SA ‘ODETTE’-HIT AREAS IPAGPALIBAN
NANAWAGAN ang Integrated Bar of the Philippines sa Korte Suprema na ipagpaliban ang bar exam sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Nakatakdang ganapin ang 2020-2021 Bar Examination sa Enero 16, 23, 30 at Pebrero 6.
Sa partial survey sa mga law student na nakatakdang kumuha ng bar exam, lumabas na nais ng mga ito na i-reschedule ang exam sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
“A majority of the barristers in Cebu, Bohol, Southern Leyte, and other areas in Mindanao have suffered from the effects of the typhoon and have not only lost focus in their preparation but had to use their resources they have supposedly prepared for the Bar Examinations to rebuild their homes and provide for their families,” ayon sa IBP.
Pinuri naman ng grupo at ng mga Cebu law school dean ang desisyon ng SC na i-desentralisa at i-computerize ang Bar examination, ngunit may pangangailangan para sa pagpapaliban ng pagsusulit sa mga lugar na hinagupit ng bagyo.
Isusumite na ng grupo ang resolusyon ukol dito kay Associate Justice Marvic Leonen.