HOSPITALITY MANAGEMENT COURSE MABUBUHAY SA MARITIME EXPO 2024
INAASAHANG mabubuhay ang kursong Hospitality Management kapag umarangkada na ang cruise tourism sa Pilipinas.
Sa June 11–13 ay ikinasa ng Worldwide Maritime Operations Companies na pinamumunuan ni CEO and President Rachelle B. Lopez ang Expo Maritime Philippines: Cruise, Travel Tourism and Maritime Career Convention 2024 sa SMX Convention Center sa Pasay City na magbibigay-daan sa iba’t ibang oportunidad para sa mga seafarer, gayundin sa cruise companies, lokal man o mula sa ibang bansa.
Sa nasabing event ay pag-uusapan ang pagsisimula ng cruise tourism, at upang matiyak ang tagumpay, maraming tauhan ang kinakailangan.
Kaya naman maraming graduates mula sa marine engineering at hospitality management course ang kakailanganin.
Dahil sa inaasahang mataas na bilang ng kinakailangang tauhan, maaari ring madagdagan ang enrollment sa nasabing kurso.