HIRIT NA ACADEMIC BREAK TINABLA NG DEPED
IGINIIT ng Department of Education na hindi kailangan ang academic break sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, at sinabing ang kailangan ng mga estudyante ay mas maluwag na mga polisiya na ipinatutupad na ng ahensiya.

“Naniniwala po kami na hindi naman kailangang itigil ang pagkatuto, ang kailangan ay mas maging considerate tayo sa mga sitwasyon ng bawat bata,” pahayag ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio.
Ayon kay San Antonio, may alternatibong ginawa ang DepEd para hindi mahirapan ang mga estudyante sa distance learning.
“Iyong palaging sinasabing academic break ay panawagan ng mga kabataan, pero tayo sa Kagawaran ng Edukasyon ay mayroon tayong sinasabing academic ease,” sabi ni San Antonio.
Giit pa niya, hindi kailangan ng gadgets para magpatuloy sa pag-aaral ang mga estudyante dahil mayroon namang printed modules.
Nauna na ring tinutulan ni Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ang pagpapatupad ng nationwide academic break.
Ayon kay Gatchlian, maaaring mawalan na ng ganang mag-aral ang mga estudyante kung ititigil ang klase.