Nation

HIGIT 21M ESTUDYANTE ENROLLED NA

MAHIGIT sa 21 milyong estudyante ang nakapag-enroll na, ilang araw bago ang pagbubukas ng School Year 2023-2024, ayon sa Department of Education.

/ 27 August 2023

MAHIGIT sa 21 milyong estudyante ang nakapag-enroll na, ilang araw bago ang pagbubukas ng School Year 2023-2024, ayon sa Department of Education.

Sa huling araw ng enrollment nitong Sabado, lumitaw sa Learner Information System ng DepEd na may kabuuang 21,029,531 ang nakapag-enroll na sa buong bansa.

Ang Region 4A ang may pinakamaraming nag-enroll na estudyante na may 3,323,943, sumusunod ang NCR na may 2,437,041 at Region 3 na may 2,394,421.

Sa nakaraang school year ay may 28.4 milyong estudyante ang nag-enroll sa 44,931 public schools at 12,162 private schools sa buong bansa.

Ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools ay nakatakda sa August 29, habang ang klase sa ilang private schools ay nagsimula na.