Nation

HEALTH SYSTEM DAPAT MAGING HANDA SA PAGPAPALAWIG NG F2F CLASSES — SOLON

/ 13 December 2021

DAPAT na nakahanda ang health system sa pagpapalawig ng face-to-face classes sa susunod na taon, ayon kay Act Teachers Partylist Rep. France Castro.

Posibleng palawigin ng Department of Education ang limited face-to-face classes sa Enero 2022.

Sinabi ni Castro na marami pa ring mga magulang ang nangangamba na padaluhin ang kanilang mga anak sa in-person classes.

“Sana ready din ‘yung ating health system kasi basically dapat merong nurse or doctor sa bawat eskuwelahan or clusters of school kaya ‘yun ‘yung makakapag-develop sa kanila,” ani Castro.

Iginiit ni Castro na dapat patuloy ang pagbibigay ng edukasyon sa mga guro at magulang ukol sa Covid19 jabs.

“‘Wag tigilan ‘yung continuing education sa ating mga parents, minsan nga may hesitancy din sa teachers ‘yung continuing education about dun sa bakuna,” dagdag pa niya.

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng physical classes sa mga piling paaralan sa bansa sa kabila ng banta ng bagong coronavirus variant na Omicron.