Nation

HEALTH EXPERTS PINABUBUO NG PROTOCOL SA PAGBUBUKAS NG MGA ISKUL

/ 17 February 2021

HINIMOK ni Senador Ralph Recto ang mga health expert na bumuo ng protocols para sa muling pagbubukas ng klase sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Recto na dapat sumunod ang gobyerno sa health experts kung anong mga establisimiyento ang dapat na buksan.

Binigyang-diin ni Recto na hindi niya maintindihan ang naging pasiya ng IATF na mas unahing magbukas ang mga sinehan at arcade o palaruan kaysa mga eskwelahan.

Ipinaalala ng senador na mas mahalaga  ang serbisyo ng edukasyon kumpara sa amusement o mga libangan.

“In addition, I can’t understand the IATF decision to allow cinemas, etc. to open but not our schools. Education is an essential service compared to amusement that is not essential,” pahayag ni Recto.

Hindi mahalaga kay Recto kung nagpasiya ang  Inter-Agency Task Force na ipagpaliban sa Marso 1 ang muling pagbubukas ng mga sinehan.

“Whether today or March 1 to me is not the issue. IATF should listen to our health experts. Our health experts should determine protocols to open our schools  as soon as possible,” diin ni Recto.