HARVARD, STANFORD PAPAPASUKIN SA PINAS
ISUSULONG ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture chairperson Sherwin Gatchalian ang panukalang magbabago ng ilang probisyon sa Saligang Batas, kabilang na ang pagpapalakas pa ng sektor ng edukasyon.
ISUSULONG ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture chairperson Sherwin Gatchalian ang panukalang magbabago ng ilang probisyon sa Saligang Batas, kabilang na ang pagpapalakas pa ng sektor ng edukasyon.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa ngayon ay hindi pinapayagan ang foreign ownership sa mga paaralan sa Pilipinas.
“Ang education system, bawal ang foreign investor na mag-invest sa mga eskuwelahan dito sa atin. Pero alam naman natin ngayon ang pinakamagagaling na eskuwelahan ay nasa ibang bansa tulad ng Harvard, tulad ng Stanford at gusto nating akitin ang mga ganitong klaseng eskuwelahan na magtayo ng branch dito o ng eskuwelahan man lang para tumaas ang antas ng edukasyon sa ating bansa,” pahayag ni Gatchalian.
Sinabi ng senador na nakita niya sa United Arad Emirates na nagbukas na ang ilang malalaking eskuwelahan tulad ng Oxford at Harvard.
Iginiit ng mambabatas na kung ang mga ganitong uri ng eskuwelahan ang papasok sa bansa, ang makikinabang ay ang mga lokal dahil tataas din ang kanilang kaalaman lalo na sa Research and Development.
“Ito ‘yung isang bagay na gusto nating amyendahan kasama ng ilan sa economic provisions,” pagbibigay-diin ni Gatchalian.
Aminado naman ang senador na kailangan isulong ang mga ganitong uri ng pagbabago sa Konstitusyon sa pagsisimula pa lamang ng mandato ng bagong administrasyon upang hindi mahaluan ng pagdududa.