GURO NA NANAMPAL NG ESTUDYANTE SUSPENDIDO NG 90 ARAW
KINUMPIRMA ng Department of Education nitong Martes na pinatawan ng 90 araw na preventive suspension ang guro na umano'y nanampal sa isang 14-anyos na estudyante sa Antipolo City na nagresulta sa kanyang kamatayan.
KINUMPIRMA ng Department of Education nitong Martes na pinatawan ng 90 araw na preventive suspension ang guro na umano’y nanampal sa isang 14-anyos na estudyante sa Antipolo City na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Ayon sa ulat ng DZBB, ang suspensiyon ay ipinataw habang isinasagawa ang administrative proceedings laban sa guro.
Nilinaw naman ng DepEd na hindi parusa ang suspensiyon kundi bahagi lamang ng preventive measures habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Namatay ang biktimang si Francis Jay Gumikib matapos ma-coma ilang araw makaraan umanong sampalin ng kanyang guro sa Filipino subject sa Peñafrancia Elementary School.
Inaasahang ilalabas ang resulta ng medico-legal examination sa susunod na linggo, ayon sa hepe ng Medico-Legal Division ng Philippine National Police Forensics Group.
Samantala, nagsasagawa rin ang Commission on Human Rights ng sarili nilang imbestigasyon sa insidente.