Nation

GSIS EDUCATIONAL SUBSIDY EXTENDED HANGGANG SETYEMBRE 15

/ 3 September 2020

INANUNSYO ng Government Service Insurance System na tumatanggap pa rin sila ng mga aplikasyon para sa GSIS Educational Subsidy Program hanggang Setyembre 15.

Sa ilalim ng programa, makakatanggap ang mga kwalipikadong anak ng mga aktibong miyembro ng P10,000 para sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Para maging kwalipikado, ang mga interesadong GSIS members ay dapat permanenteng empleyado na may salary grade 24 at pababa, at wala ring dapat unpaid o underpaid loan ng mahigit tatlong buwan.

Sampung libong mga mag-aaral ang makikinabang sa programang ito.

Ang nominado ay dapat kasalukuyang nakatala sa apat o limang taong kurso sa isang pamantasan na kinikilala ng Commission on Higher Education at hindi pa nakakatanggap ng kahit anong scholarship o ayuda mula sa ibang institusyon.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang GSIS website, www.gsis.gov.ph o ang kanilang opisyal Facebook page, @gsis.ph at email [email protected]. Maaari ring tumawag sa GSIS Corporate Social Advocacies and Public Relations Department sa (02) 8479-3571 to 72 o di kaya sa 0915-7364175.