GRADE 12 GRADS MAY P15K SCHOLARSHIP ASSISTANCE MULA SA TAGUIG GOV’T
AWTOMATIKONG mabibiyayaan ng P15,000 scholarship vouchers ang lahat ng mga nagtapos sa Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa Taguig City, ayon kay Mayor Lani Cayetano.
Ang P15,000 scholarship vouchers ay sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need scholarship program na ibinibigay sa mga mag-aaral na nais mag-enroll sa anumang kurso sa tech-voc, certificate o baccalaureate.
“This voucher is part of the L.A.N.I scholarship program that persuades graduates to take up tertiary education. To our beloved students, we have faced so much this year, let us get inspiration from this graduation. We will not abandon you. We are a loving and nurturing community, we are one family,” sabi ni Cayetano.
Samantala, ang Top 1 graduating students sa Grades 6, 10 at 12 ay tumanggap din ng P15,000 habang ang Top 2 students ay P12,500.
Ang Top 3-10 elementary students ay nakatanggap ng P5,000 bawat isa habang ang mga completer at senior high students ay may tig-P7,500.
Ang Top 1 students sa elementarya ay may P2,500 bawat isa, habang ang Top 1 completer at senior high students sa bawat klase ay may P5,000.
Ngayong taon ay may 58,000 scholars ang Taguig City at patuloy itong tumatanggap ng eligible applicants.