Nation

GLOBE PATULOY NA TUMUTULONG NA MAPUNAN ANG DISTANCE LEARNING GAPS SA BANSA

/ 16 April 2021

PATULOY ang paghahatid ng Globe ng maaasahang internet connection at mga kaukulang training, plataporma, produkto at serbisyo sa mga guro at mag-aaral ng public schools bilang suporta sa Kagawaran ng Edukasyon.

“Patuloy kaming naghahanap ng mga paraan para makapagbigay ng mga solusyon sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga guro at mag-aaral na nasa public schools lalo’t kinakailangan ng lahat ang dekalidad na edukasyon,” ayon kay Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at Senior Vice President para sa Corporate Communications.

Sa simula pa lamang ng pandemya, mahigit sa 67,000 guro at mag-aaral mula sa pampublikong paaralan ang binigyan ng Globe ng P34 million na load at SIM card at mahigit na 13,000 Home Prepaid WiFi at pocket WiFi.

Nakapag-donate din ang mga loyal subscriber ng Globe ng P700,000 sa pamamagitan ng GCash at Globe Rewards points para sa internet connection ng mga guro at estudyante sa tulong ng Ayala Foundation.

Ngayong taon, nakapamahagi na ng 2,000 Home Prepaid WiFi kits ang WiFi2Teach program ng Globe at ng Ayala Foundation sa mga partner schools para matulungan ang mga guro na maihatid ang mga learning module sa kanilang mga mag-aaral.

Gamit ang kanilang mga Globe o TM sims, mayroon ding libreng access sa Globe eLibrary  (https://globeelibrary.ph /) at  DepEd Commons (https://commons.deped.gov.ph/) ang mga guro at mga mag-aaral kung saan puwede silang magbasa at manood ng  mga learning material.

Sa tulong naman ng Global Filipino Teacher program, nabibigyan ng mga training ang mga guro sa mga pampublikong paaralan ukol sa  digital literacy, early language literacy, parental engagement, responsible online behavior, at psychological first aid.

“Talagang napapanahon ang suporta ng Globe lalo na’t natutulungan nito ang mga guro at mag-aaral na masolusyunan ang pagsubok na dala ng distance learning,” sabi ni Atty. Tonisito M.C. Umali, Esq., DepEd Undersecretary para sa Legislative Affairs, External Partnerships at Project Management Service.

“Makabuluhan ang kontribusyon ng Globe sa pagbibigay ng access sa maraming mga guro sa buong bansa na nagsisikap na makapagbigay kaalaman sa kanilang mag-aaral kahit na sa ganitong hindi ordinaryong panahon,” ayon naman kay Celerina Amores, Senior Director para sa Corporate Communications ng Ayala Foundation.

Para sa iba pang kaalaman ukol sa sustainability efforts ng Globe, bisitahin ang: https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html#gref