GLOBE NAGDAGDAG NG TECHNICIANS PARA MABILIS MATULUNGAN ANG BROADBAND CUSTOMERS
DAHIL sa mas pinahigpit na quarantine guidelines sa ilang bahagi ng bansa, inaasahan ng Globe na mas tataas pa ang demand sa paggamit ng internet sa mga kabahayan. Bilang paghahanda, dinagdagan ng kompanya ang mga technician na tutugon sa broadband concerns ng mga customers nito, gayundin ang pinagandang proseso sa pagtugon ng iba’t ibang katanungan.
Mas pinadali na rin ang pagkuha ng appointment para sa pagbisita ng technician. Maaari nang mag-book ng appointment ang mga customer sa kanilang Globe at Home app o sa hotline digital assistant. Dahil dito, inaasahang mas mabilis na ang pagtugon ng kompanya sa mga customer nito.
Gayundin, maaaring ayusin ng mga customer ang mga problema ng kanilang broadband connection sa pamamagitan ng troubleshooting guide na makikita sa mga self-service channel. Kung hindi kayang maresolba ang isyu, maaaring mag-request ng technician na hindi na kailangang dumaan pa sa customer service agent. Darating ang assigned technician sa loob ng 24 hanggang 48 na oras.
“Hangad namin sa Globe na maging kaagapay ng mga customer sa bahay nila. Mas pinarami namin ng halos 60 porsiyento ang aming technical support team para mas mabilis na serbisyohan ang mga customer kung sakaling makaranas sila ng disruption sa kanilang broadband connection,” ayon kay Darius Delgado, Head ng Globe Broadband Business.
Dagdag pa niya, bukod sa pagkuha ng appointment, maaari ring makita sa Globe at Home app ang status ng request, kung mayroon nang available na technician o kung papunta na ba ito sa lokasyon.
Sinisiguro rin ng Globe na ligtas ang mga customer sa pakikiharap sa mga technician lalo na sa panahon ng pandemic. Maiging ini-screen ang mga technician bago sila palabasin at mahigpit na ipinatutupad ang good hygiene at sanitation. Mayroon din silang mga standard protective gear at pinaaalalahanan na magkaroon ng physical distancing kapag pumupunta sa bahay ng mga customer.
“Mahalaga sa amin ang kaligtasan at oras ng aming mga konsyumer. Palagi naming ipinaaalala sa mga technician namin sa buong bansa na siguraduhin na mapuntahan ang customer ayon sa schedule at palaging obserbahan ang mga safety at health protocols,” ani Delgado.
Para makapag-request ng technician at sa iba pang kaalaman sa mga serbisyo ng Globe At Home, maaaring i-download ang Globe At Home app sa glbe.co/GAHapp o ‘di kaya ay tumawag sa Globe hotline na (02) 7730-1000.
Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular na ang UN SDG No. 9 na siyang kumikilala sa kahalagahan ng imprastraktura at innovation bilang mga pangunahing tagapagtaguyod ng pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon din ang Globe sa pagtupad sa 10 United Nations Global Compact principles at 10 UN SDGs.