Nation

GATCHALIAN: F2F CLASSES SA AGOSTO LUMALABO

/ 21 April 2021

AMINADO si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na maging siya ay hinid sigurado kung maisasakatuparan na ang face-to-face classes sa School Year 2021-2022.

“To be honest, medyo na-thrown off ako, nawala ako doon sa aking direksiyon na sana magbukas ng face-to-face classes na this coming school year,” pahayag ni Gatchalian.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na hindi rin niya inakala na muling tataas ang kaso ng Covid19 sa bansa.

“Ito ay isang bagay na talagang hindi natin nakita, itong pagtaas uli ng bilang ng Covid sa atin. So in other words, sa ngayon dahil nga tumataas ang bilang ng Covid, ang puwede nating gawin ay paghahanda,” diin ng senador.

“This coming school year, mahirap sabihin kung magkakaroon tayo ng face-to-face dahil this coming school year ang target is between August and September. Napakahirap sabihin ngayon dahil nga sa sitwasyon natin,” dagdag ni Gatchalian.

Muli namang binigyang-diin ng senador na kailangan lamang ay ipagpatuloy pa rin ang paghahanda na makabalik sa normal ang sitwasyon.

“At one point, naniniwala ako na matatapos din ito, huhupa rin at babalik tayo sa normal as much as possible at maghanda rin tayo doon at kahit bumaba ‘yan dapat tuloy pa rin tayo sa pagsusuot ng mask at paghuhugas ng kamay,” dagdag paliwanag ng mambabatas.

Inirekomenda rin ng senador na kung may pagkakataon na simulan na ang pilot testing ng face-to-face classes sa ibang lugar ay mas makabubuting gawin na rin ito.

“I still think for the best pa rin. Kung puwede tayong mag-umpisa ng pilot testing doon sa mga GCQ areas dahil marami tayo, almost 11 million students ang nasa MGCQ areas, ‘yung pinakamababang quarantine. So mahigit kalahati ng mga estudyante natin nasa pinakamababang quarantine areas na tingin ko puwede nang mag-pilot testing doon,” dagdag pa ni Gatchalian.