FROM SEXUAL INNUENDOS TO HARASSMENTS, LAWMAKERS CAN’T JUST KEEP A CLOSED EYES ON PREDATORS IN ACADEMIC INSTITUTIONS
NAALARMA na ang Makabayan bloc sa Kongreso sa mga ulat tungkol sa umano’y ‘sexual innuendos and harassments’ sa mga babaeng estudyante sa ilang public at private academic institutions.
NAALARMA na ang Makabayan bloc sa Kongreso sa mga ulat tungkol sa umano’y ‘sexual innuendos and harassments’ sa mga babaeng estudyante sa ilang public at private academic institutions.
Dahil dito, iginiit nina Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Partylist Representatives Carlos Isagani Zarate, Eufenia Cullamat at Ferdinand Gaite, kasama sina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago sa Kamara ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa ilang kaso ng sexual harassment.
Sa kanilang House Resolution 1155, nais ng mga mambabatas na pangunahan ng House Committee on Women and Gender Equality at House Committee on the Welfare of Children ang imbestigasyon ‘in aid of legislation.’
Isa-isang tinukoy sa resolusyon ang mga napaulat na kaso ng harassment simula noong Mayo 16 hanggang Agosto 4 ngayong taon sa gitna ng Covid19 pandemic.
Batay sa resolution, noong Mayo 16, ay isang professor mula sa Bulacan State University Laboratory High School ang umano’y nang-harass ng kanyang mga babaeng estudyante sa pamamagitan ng mga malilisyosong salita at iba pang ‘sexual advances.’
Gayunman, sa kabila umano ng mga alegasyon sa nasabing professor ay pinayagan pa rin itong magturo.
Nai-report naman noong Hunyo 21 ang pagsasalita ng mga estudyante mula sa Quezon City Science High School hinggil sa mga nangyaring ‘sexual violence and impunity’ sa kanilang campuses.
Isa sa mga teacher sa QueSci ang umano’y tinawag na pedophile at groomer dahil sa paghingi ng larawan sa mga estudyante na nakahubad bukod pa sa ulat na panghihipo.
Noong Hunyo 24 naman ay ilang estudyante ng Miriam College ang nagdetalye sa social media ng mga naranasan nilang harassment mula sa mga school employee, kabilang na ang mga ipinadalang ‘private messages’ ng ilang guro sa mga estudyante at kuwento ng faculty members na nakikipagrelasyon sa mga menor de edad na mag-aaral.
Nasa 20 kaso naman ang iniulat noong Hunyo 25 kaugnay sa sinasabing ‘sexual harassment, pedophilia’ at hindi tamang mga komento laban sa mga estudyante ng Marikina Science High School.
Noong Hunyo 26 mga estudyante at alumni naman ng St. Theresa’s College ang nag-post ng ‘sexual harassment incidents’ na pinatunayan ng mga screenshot at detalye ng bawat kaso laban sa kanilang mga guro.
Naghain naman ang student council ng Ateneo de Manila University noong Hunyo 27 ng kaso laban sa isang professor na sangkot umano sa ‘sexual harassment’ sa ilang estudyante.
Sa alegasyon, iniimbitahan ng professor ang kanyang mga estudyante para sa individual consultations sa kanyang private bedroom at nagpapadala ng hindi kaaya-ayang mensahe.
Tinukoy rin sa resolusyon ang istorya ng alumni at mga estudyante ng University of Asia and the Pacific hinggil sa ‘sexual patterns’ ng mga dati at kasalukuyang instructors sa institusyon na umugong noong Hunyo 29.
Nakasaad din sa resolusyon ang mga istorya ng harassment sa mga estudyante ng University of the Philippines Visayas noong Hulyo 1 mga traumatic experiences ng ilang senior high school sa University of St. La Salle noong Hulyo 2, gayundin sa De La Salle University noong Hulyo 11 at St. Paul College Pasig noong Hulyo 13.
May mga insidente rin ng harassment ang naiulat sa Mater Ecclesiae School noong Hulyo 22, gayundin sa Quezon City Academy noong Hulyo 28 at 50 kaso sa Honorato Perez Memorial Science High School noong Agosto 1, ‘sexual misconduct’ sa Tarlac National High School noong Agosto 3 at maging sa Holy Spirit Quezon City noong Agosto 4.
“These are only a few of the many ‘sexual harassment in schools that are reported, recorded or publicized in social media and other platforms. Students and alumni admit that they are afraid to come out and speak of their traumatic experiences,” nakasaad pa sa resolusyon.