FREE WI-FI SA BARANGAY PALATIW SA PASIG CITY
SIMULA sa susunod na buwan ay free Wi-Fi zone na ang Barangay Palatiw sa Pasig City.
Ayon kay Barangay Chairman Eriberto ‘Bobot’ Guevarra, malaking tulong ang free Wi-Fi program sa kanyang mga ka-barangay, lalong-lalo na sa mga mag-aaral sa kanilang online classes.
“Sa programang ito, palagay ko naman ang kanilang online class ay tuloy na tuloy na at hindi magkakaroon ng problema,” pahayag ni Guevarra sa isang panayam sa launching ng PasigNewsToday.Com Broadcast Studio sa Barangay Maybunga, Pasig City noong Sabado ng hapon.
Sinabi ni Guevarra na sinimulan na nila ang pagkakabit ng free Wi-Fi sa kanilang barangay at bawat purok ay lalagyan nila ng 100 mbps.
Dagdag pa niya, wala itong password subalit limitado lamang sa isang oras ang paggamit ng bawat user.
“’Pag nag-log in ka ay mayroon kang one hour na gamitin ‘yung Wi-Fi, after one hour magla-log out ka automatically, then kung makakuha ka pa ng space mag-log in ka ulit,” paliwanag niya.
Sinabi pa ni Guevarra na kahit yaong mga karatig nilang barangay ay maaaring makagamit sa free Wi-Fi hanggang kayang abutin ito
“Bago matapos ang November, palagay ko ang buong Palatiw ay mararanasan na ito. Ang ano ko lang dito ‘yung mga loob-looban, pasensiya na po kasi siyempre, may mga blockage, pero eventually i-expand namin ‘yan… lalagyan namin ng mga sub
stations ‘yan,” dagdag pa ng punong-barangay.