FREE INTERNET SA BAWAT BARANGAY ISINUSULONG
DAHIL sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga estudyante sa gitna ng implementasyon ng bagong sistema sa pag-aaral, iginiit ni Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson na dapat magkaroon ng free internet connection sa bawat barangay sa bansa.
Sa kanyang House Bill 7398 o ang proposed Barangay Internet Hubs Act, sinabi ni Lacson na sa panahon ngayon, maituturing nang essential commodity ang internet connectivity.
“However, despite the enhancement in technology and internet connectivity, many places in our country do not have free access to the internet,” pahayag ni Lacson sa kanyang explanatory note.
Nakasaad sa panukala ang pagtatayo ng internet hubs sa bawat barangay kung saan libreng makagagamit ng gadgets at internet ang mga mag-aaral.
“It is the policy of the State to provide its citizens free internet in order to help them have access to learning, education, news, and to help them in their professional and career development and enhancement,” nakasaad sa Section 2 ng panukala.
Para naman sa mga barnagay na mayroon nang learning hub alinsunod sa mga ordinansa, kinakailangan na lamang isama ang libreng pagpapagamit ng mga electronic gadget at internet access.