FORENSIC SCIENCE INSTITUTE IPINATATAYO SA UP
NAIS ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na magkaroon ng Forensic Science Institute sa University of the Philippines System.
Sa kanyang Senate Bill 1997 o ang proposed Forensic Science Institute Act, binigyang-diin ni Revilla na mahalagang mai-upgrade ang forensic science capabilities sa bansa at mahikayat ang mas marami pang professional at scientist na ituloy ang kanilang career sa forensic science.
“Forensic science is the application of the methods of the natural and physical sciences to matters of criminal and civil law,” pahayag ni Revilla sa kanyang explanatory note.
Sa panukala, ang itatayong Forensic Science Institute sa UP ay bubuuin ng kwalipikado at trained experts mula sa law enforcements units.
“Such a setup aims to ensure that its findings and approach to investigations will be impartial, science-based and multidisciplinary,” paliwanag pa ni Revilla.
Alinsunod sa panukala, ang Forensic Science Institute ay pagmamantina ng modern laboratories and facilities para sa development at adoption ng analytical methods kaugnay sa forensic evidence.
Magkakaroon din ng degree at non-degree programs para sa mga estudyanteng interesado sa forensic science.
Batay sa panukala, paglalaanan ng P300 milyong inisyal na pondo ang Forensic Science Institute na magmumula sa National Treasury.