FLOATING LIBRARY SA MANILA SOUTH HARBOR
DUMAONG ang international floating library na MV Doulos Hope sa Pier 15, Manila South Harbor dakong alas-3 ng hapon nitong Marso 27.
Ang MV Doulos Hope na dating cruise ship at isa nang floating library ay pag-aari ng Operation Mobilisation at kasalukuyang pinatatakbo ng isang charity-based organization sa Germany, ang Gute Bucher fur Alle na ang ibig sabihin ay “good books for all”.
Ito ay may taglay na anim na decks at bigat na 3,370 gross tonnage at haba na 82 metro.
Bago dumaong sa Manila South Harbor, ang MV Doulos Hope ay naunang bumisita at nagkaroon ng International Book Fair sa Subic Bay Free Port at San Fernando, La Union.
Lulan ng nasabing barko ang 24 crew, 55 staff, at 25 volunteers.
Opisyal na binuksan sa publiko ang naturang floating library kahapon, Marso 28.
Samantala, ang Port Police ng PPA, PMO NCR-South katuwang ang Asian Terminals Inc. ay handa sa pag-alalay sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa naturang barko sa mga susunod na araw.
Binuksan din ang isang bahagi ng Eva Macapagal Cruise Terminal sa Pier 15 na magsisilbing holding area ng mga bisita bago umakyat sa floating library.
Ang naturang floating library ay magtatagal lamang hanggang ala-5 ng hapon sa Abril 14, 2024 kung saan mayroon itong entrance fee na P50 at bukas ito simula ala-1 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi tuwing Martes at Huwebes, habang ala-1 ng hapon