FIRST AID PARA SA CARDIAC ARREST IPINATUTURO SA ISKUL
SA GITNA ng patuloy na pagtaas ng temperatura dahil sa global warming, isinusulong ng isang kongresistta na ituro sa mga paaralan ang first aid training para sa cardiac arrest.
Inihain ni Quezon City 5th District Rep. PM Vargas ang House Bill 4464 o ang proposed CPR and First Aid in Schools Act.
Sinabi ni Vargas na pataas nang pataas ang temperatura kaya naman tumataas din ang banta ng heat-related illnesses lalo na ang cardiac arrest.
Alinsunod sa panukala, imamandato ang pagtuturo sa paaralan ng tamang first aid o life-saving skills na magagamit sa panahon ng emergencies.
Ilan sa intervention ay training program para sa essential life support techniques, kabilang ang cardiopulmonary resuscitation o CPR.
Sa ganitong paraan, mai-empower, aniya, ang isang indibidwal na makatugon nang tama sa panahon ng emergency.
Sa kabila nito, sinabi ni Vargas na kahit maging bihasa ang marami sa first aid, pinakamainam pa ring prevention sa heat related illnesses ang ibayong pag-iingat.