Nation

FACE-TO-FACE MEDICAL INTERNSHIP SA UP-PGH PINAYAGAN NA NG IATF

/ 1 November 2020

PINAYAGAN na ng pamahalaan ang Unibersidad ng Pilipinas na ipagpatuloy ang clinical internship program nito kahit na ipinagbabawal pa rin sa buong bansa ang face-to-face classes dulot ng Covid19 pandemic.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, binigyan na ng permiso ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang internship program ng PGH.

“The IATF approved the resumption of the face-to-face clinical internship program of the UP College of Medicine. Ito po ay magaganap sa UP-PGH Hospital at ito po ay exemption sa ilang omnibus guideleines ng Covid19 na binuo ng IATF,” sabi ni Roque.

Simula nang magkaroon ng kuwarentena noong Marso, lahat ng interns ay pinull-out sa lahat ng mga ospital sa Filipinas.

Sa kabila nito, higit sa sandaan pa ring volunteers ng PGH ang nagnais na manatili sa naturang ospital upang makatulong sa pag-aasikaso ng libo-libong pasyenteng tinamaan ng virus.

Matutugunan ng internship program hindi lamang ang academic requirement ng mga mag-aaral na kumukuha ng medisina, kundi pati ang kulang na working force ng PGH bilang pangunahing takbuhan ng mga Filipino kapag may karamdaman.