Nation

F2F REGISTRATION PUWEDE NA SA LOW-RISK AREAS

PINAYAGAN na ng Department of Education ang pagsasagawa ng face-to-face registration para sa susunod na school year sa low-risk areas.

/ 28 March 2022

PINAYAGAN na ng Department of Education ang pagsasagawa ng face-to-face registration para sa susunod na school year sa low-risk areas.

Nitong Marso 25 ay nagsimula na ang early registration para sa School Year 2022-2023.

Ang Early Registration ay taunang aktibidad ng DepEd para himukin ang mga magulang ng mga papasok na Kindergarten, Grade 1, 7, at 11 na maagang magpatala.

Subalit dahil sa banta ng Covid19, ang Early Registration para sa mga piling baitang ay ginawang remote setup.

“In-person registration through parents and guardians may be allowed in areas under Alert Levels 1 and 2 provided physical distancing and health safety protocols are strictly observed,” pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones.

Mananatili namang remote setup ang pagsasagawa ng registration sa mga lugar na nasa Alert 3 hanggang 5.

Mandatory ang pagsasagawa ng Early Registration sa mga pampublikong eskuwelahan, ayon sa DepEd.