F2F GRADUATION SA PNPA SA ABRIL 21
MAKARAAN ang dalawang taon, muling magsasagawa ng face-to-face graduation ceremony ang Philippine National Police Academy sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite
Panauhing pandangal sa okasyon sa Abril 21 si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Top 10 ng ALAB KALIS CLASS OF 2022 na iprinisinta sa media ay sina:
- P/Cdt Ernie Padernilla, Passi City, Iloilo
- P/Cdt Regina Joy Caguioa, Taguig City
- P/Cdt Precious Lee, San Juan City, MM
- P/Cdt Fidel Triste III, Palo, Leyte
- P/Cdt Geneva Flores, San Carlos City, Pangasinan
- P/Cdt Zoe Seloterio, Sta. Barbara, Iloilo
- F/Cdt Neil Navalta, Diffun. Quirino
- P/Cdt Mhar Viloria, Pugo, La Union
- J/Cdt Colynn Panganiban, Antipolo City
- P/CDT ALYSSA BANTASAN, Bauko Mt. Province
Mahigpit ang bilin sa kanila ni PNP Chief General Dionardo Carlos na tiyakin na isabuhay ang mga nakuhang aral sa akademya kapag napabilang na sa PNP, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.
Sa kabuuan, 226 ang magtatapos ngayong taon mula sa PNPA na hahatiin sa PNP, BJMP at BFP.
Ang pamamahala sa PNPA ay nasa ilalim na ngayon ng PNP mula sa dating Philippine Public Safety College.