F2F CLASSES TULOY SA ALERT LEVEL 1, 2 AREAS
TULOY-TULOY ang face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 at 2, ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan.
Pero paglilinaw ni Malaluan, ang mga eskuwelahan na ito ay ang mga existing school na nagsagawa na ng pilot testing.
“As to the expansion phase, further recommendation to the Department of Education as mentioned by the Secretary ay ito ay ma-postpone until January 15 pero hindi ‘yung nasa pilot phase na nag-umpisa na,” sabi ni Malaluan.
“Dati ‘yung mga paaaralan doon na wala sa Alert Level 3 and up at nanatili sa Levels 1 and 2 ay even as we speak nagpapatuloy ang kanilang face-to-face classes, only for the pilot schools that are existing,” dagdag ng opisyal.
Suspendido naman ang face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 3 dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid19, partikular na sa National Capital Region.