F2F CLASSES SINUSPINDE NG LGUs SA 4 REHIYONDAHIL SA MATINDING INIT
SINUSPINDE ng ilang local government units sa apat na rehiyon sa bansa ang face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan dahil sa matinding init.
Ayon sa Department of Education, ang mga paaralan sa naturang mga paaralan ay lumipat sa alternative mode of teaching.
Ang nasabing mga LGU ay ang mga sumusunod (Abril 1): Western Visayas: Iloilo City, Roxas City, Kabankalan City, Silay City, Guimaras, Himamaylan City, Dumangas, Iloilo, Bago City; Zamboanga Peninsula: Pagadian City Pilot School, Buenavista Integrated School; SOCCSKSARGEN: Municipality of Banga, Municipality of Tantangan; at
Ilocos Region: Dagupan City (Abril 2-4).
“Kapag nakita ng school heads na hindi na po conducive sa learning iyong kanilang environment dahil napakainit ay maaari po siyang magsuspinde ng in-person classes at magsu-switch ito automatically sa alternative delivery modes na modular learning, online distance learning, puwede rin po assignment of performance tasks,” pahayag ni DepEd Undersecretary Michael Poa.
Sa datos, pumalo sa 42 degrees Celsius pataas ang heat index sa mga apektadong lugar na abot sa level na dangerous heat index.