F2F CLASSES SA PRIVATE SCHOOLS PINALILIMITAHAN SA 3 ORAS
TATLONG oras lamang ang dapat na ilaang oras para sa limited face-to-face classes sa mga pribadong eskuwelahan, ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines.
“I think three hours lang in the day, dapat hindi mag-exceed sa loob ng paaralan,” sabi ni COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada.
Kailangan din aniyang sundin ng nga pribadong eskuwelahan ang health at safety protocols.
“May designated places kung saan lang puwedeng manatili ‘yong mga estudyante. Gumamit tayo ng open spaces or doon sa mga lugar na maayos ang ventilation. And, of course, dapat may access to cleaning materials and also for hygiene,” ayon pa kay Estrada.
Samantala, dapat din aniyang handa ang mga eskuwelahan sakaling may magpositibo sa Covid19 sa mga estudyante at guro.
Giit niya, dapat agad marespondehan ito ng paaralan at makipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Nasa 20 pribadong paaralan ang pinayagan ng Department of Education sa pilot face-to-face classes ngunit 18 lamang ang lumahok nitong Nobyembre 22.
Ayon kay DepEd Director Jocelyn Andaya, hindi nakapagbukas ng in-person classes ang dalawang eskuwelahan dahil taliwas ito sa kanilang academic calendar.