Nation

F2F CLASSES SA KINDER HANGGANG GRADE 3 SUPORTADO NG MEDICAL EXPERTS — DEPED

/ 11 September 2021

SUPORTADO ng mga medical expert ang panukalang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa Kindergarten hanggang Grade 3, ayon sa Department of Education.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na isasagawa ang in-person classes sa mga lugar na may mababang kaso ng Covid19.

“This is going to happen in areas with minimal risk and this age group is actually the age group that the medical experts have found based on the data to be the most resilient so far from Covid transmission,” sabi ni Malaluan.

Dagdag pa niya, mayroon nang guidelines ang Department of Health at DepEd sakaling simulan na ang physical classes.

“This can only be happening in areas known to be of minimal risk category, that’s the lowest category of any place and the readiness of the school,” dagdag pa niya.

May 638 public schools ang binabantayan ng DepEd na maaaring pagpilian para sa pagbubukas ng limited face-to-face classes.