Nation

F2F CLASSES SA COVERED COURT ISINUSULONG NG LADY SENATOR

/ 22 February 2021

AMINADO si Senadora Nancy Binay na dapat nang magawan ng paraan ng gobyerno na magkaroon ng face-to-face interaction ang mga estudyante at mga guro upang mabawasan ang hirap sa distance learning.

“I agree that we can already have face-to-face classes. But kailangan doon lang siya sa mga LGU na kung puwede halos close to zero ang cases of Covid19. And then it will not be the same classroom set up. Sabi ko nga baka puwede gawin siya sa covered court, kung saan baka 10 lang or 15 students lang will attend classes maybe for once a week. Basta mga ganoong variations when it comes to implementation,” pahayag ni Binay.

“We need to find a new way of doing face-to-face classes because I believe ang mga students natin are really suffering. In fact, ‘di ba ang laki na ng problema natin sa education, the numbers are not favorable. And then we had this “no classes” so I’m sure when we do again ang mga tests sa malamang mas bumaba pa ang quality of our education system,” dagdag ng senadora.

Ipinaliwanag ng mambabatas na iba ang karanasan ng mga estudyante sa pribadong paaralan kumpara sa pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng kapabalidad ng gobyerno na suportahan ang online learning.

Iginiit ni Binay na mahalagang may face-to-face interaction ang mga bata upang mapangalagaan din nag kanilang mental health.

Aminado rin ang senadora na iba pa rin ang turo ng mga guro kung ikukumpara sa mga magulang.

“Iba pa rin if the teacher is there teaching the students, ‘di ba? Kasi at the moment they have these learning modules tapos kani-kaniyang ano sila. Kaya nga ang dami ding I think the pressure doon sa mga parents to relearn concepts ay mahirap din, so iba talaga kapag nandiyan iyong guro sa harap ng mga estudyante,” dagdag ni Binay.