F2F CLASSES SA 30 ISKUL KASADO NA
NASA 30 eskuwelahan ang tiyak nang lalahok sa pilot face-to-face classes sa Nobyembre 15, ayon sa Department of Education.
NASA 30 eskuwelahan ang tiyak nang lalahok sa pilot face-to-face classes sa Nobyembre 15, ayon sa Department of Education.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, ang 30 paaralan ay nakapasa sa school safety assessment ng DepEd.
Noong Oktubre 2 ay may 59 eskuwelahan ang pumasa sa assessment ng Department of Health Epidemiology Bureau at kinonsiderang minimal o low risk para sa Covid19.
Paliwanag ni Garma, inatasan ang mga regional director na magsagawa ng “quick validation” ng 59 paaralan na binawasan sa 30 eskuwelahan para sa two-month pilot run ng limited in-person classes.
“So nung nag-report ang mga regional directors natin, so ‘yung 59 na ‘yun ang makakapagpatuloy lang ay 30. Kasi nga ‘yung iba ayaw na ng LGU, umatras na sila, ‘yung iba ayaw nung magulang o ‘yung iba may tumaas na cases,” sabi ni Garma.
Ang 30 eskuwelahan ay kinabibilangan ng Gutusan Elementary School sa Masbate City; Mary B. Perpetua sa Milagros; Sinalongan ES sa Masbate City; Mayabay ES sa Barbaza; Igsoro ES sa Bugasong; Laserna Integrated School sa Nabas, Aklan; Basak ES sa Samboan; Mahanlud ES sa Malabuyoc; Cabagdalan sa Balamban; Luyongbaybay ES sa Bantayan; Cañang-Marcelo Luna National High School sa Oslob; Busay NHS sa Moalboal; Pilar NHS sa Pilar; Siocon ES sa Bogo City; Siloh ES sa Siay; San Vicente ES sa Payao; Manga NHS sa Pagadian City (Capital); Manga ES; Lala ES; Sominot NHS Sominot (Don Mariano Marcos); Tabina ES, Tabina; Guipos NHS sa Guipos; Dalama Central ES sa Baroy; Babalaya ES sa Bacolod; Napo ES sa Linamon; Masibay IS sa Nunungan; Tambacon IS sa Magsaysay; Marcela T. Mabanta NHS sa Kauswagan; North Cotabato; Paco NHS sa Kidapawan City; at Bato ES sa Makilala.
Nilinaw ng DepEd na ito ay blended learning at hindi buong face-to-face classes ang gagawin sa mga bata.
Samantala, nasa 317 sa 444 DepEd personnel sa mga eskuwelahang magsasagawa ng physical classes ang nabakunahan na kontra Covid19.