Nation

F2F CLASSES OPTIONAL PA RIN — DEPED

/ 19 July 2021

HINDI pipilitin ang mga estudyante na pumasok sa eskwelahan para sa face-to-face classes sakaling payagan na ito, ayon sa Department of Education.

Sinabi ni Undersecretary Diosdado San Antonio na hindi obligado ang mga estudyante na pumasok sa eskwelahan.

Aniya, distance learning pa rin ang gagamitin ng mga ito.

“Paano kung napili ang school namin ayaw ko ang anak kong papasukin? Hindi po siya pipilitin. Siya po ay mag-online or distance learning pa rin,” pahayag ni San Antonio.

Dagdag pa ni San Antonio, inirekomenda ng Department of Health na magkaroon ng in-person classes sa mga lugar na wala nang naitalang kaso ng Covid19.

“Maliwanag naman na kung may mataas na risk hindi papayagan [ang face-toface classes.] Ang listahan namin ang pagkakaunawa namin is 100 areas around the country para mabigyang tuon ang concern sa mga paaralan na ito,” paliwanag niya.