EXTENSION CAMPUS NG BATAAN PENINSULA STATE U GAGAWING REGULAR CAMPUS
ISINUSULONG ni Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III ang panukala upang i-convert ang Bataan Peninsula State University-Bagac Extension campus bilang regular na unibersidad.
Sa House Bill 9924 o ang proposed Bataan Peninsula State University-Bagac Campus Act, iginiit ni Garcia na panahon na upang maging regular na unibersidad ang extension campus upang mas maraming estudyante ang matulungan.
Sinabi ng kongresista na simula nang itayo ang extension campus noong 2008, marami na itong mahahalagang accomplishment.
Target din ng unibersidad na gawing sentro ng Hotel and Restaurant Management at Tourism training ang extension campus upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga resort, hotel at iba pang leisure-recreational businesses sa western at southern part ng Bataan at sa Subic Bay Freeport Zone.
“With steady enrollmet growth, the BPSU Bagac Extension Campus needs to expand as a regular campus offering more undergraduate and graduate courses within the areas of its competency and specialization,” pahayag ni Garcia sa kanyang explanatory note.
Nakasaad sa panukala ang pagtiyak na susunod sa minimum requirements ng Commission on Higher Education ang extension campus para sa pagiging regular na unibersidad.
Batay rin sa panukala, ang kakailanganing pondo para sa operasyon ng unibersidad ay isasama na sa General Appropriations Act.