Nation

EXPANDED NUMBER CODING SA METRO IKAKASA PARA SA F2F CLASSES

/ 12 August 2022

UPANG bigyang-daan ang dagsang commuter dahil sa pagbabalik-eskwela sa Agosto 22, inaprubahan ng Metro Manila Council ang resolution na magpapalawig sa number coding scheme o unified vehicular volume reduction program sa National Capital Region.

Epektibo.sa Agosto 15, 2022, ipatutupad ang number coding scheme mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Gayunman, hindi sakop sa UVVRP ang public utility vehicles kasama ang tricycles, TNVS, marked government vehicles, marked media vehicles at emergency vehicles.

Nanindigan naman ang MMC na malaki ang maitutulong ng expanded number coding upang maiwasan ang dagsang sasakyan sa kalsada na kokontra sa masikip na trapiko.