Nation

ENTRANCE EXAMS SA SUCs IPINALILIBRE SA PUBLIC HS STUDENTS

/ 3 November 2020

NAIS ni Paranaque City 2nd District Rep. Joy Myra Tambunting na ilibre sa entrance examination sa State Universities and Colleges at maging sa Local Universities and Colleges ang mga underpriviledged public high school student.

Oobligahan din ang private higher education institutions na gawing libre ang entrance test sa public high school students na kasama sa top 10 percent ng graduating class.

Inihain ni Tambunting ang House Bill 647 o ang proposed Free College Entrance Examination Act upang mas maging accessible ang pag-aaral sa higher educational institutions.

“The exemption from the imposition of entrance examination fees is one such mechanism that will ensure that underprivileged but bright and deserving high school graduates are given adequate assistance and equal opportunity to pursue their dreams of obtaining a college education,” pahayag ni Tambunting sa kanyang panukala.

Saklaw ng mga panukala ang lahat ng SUCs at LUCs na nagbibigay ng college entrance examinations sa graduating high school students, high school graduates, college entrants at transferees na nag-aaplay para sa college admission.

Inaatasan din sa panukala ang pagbibigay ng private colleges, universities at institutions ng free entrance examinations sa underprivileged public high school students na kasama sa top 10 percent ng graduating class.

Sa sandaling maisabatas ang panukala, papatawan ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo at multang P750,000 ang mga lalabag na HEI official o employee at iba pang concerned individuals.

Binibigyan din ng kapangyarihan sa panukala ang Commission on Higher Education na magpataw ng disciplinary sanction sa sinumang HEI official o employee na lalabag sa mga probisyon nito.

Mandato naman ng CHED, katuwang ang Department of Education, Philippine Association of State Universities and Colleges, Coordinating Council of Private Educational Associations at Association of Local Colleges and Universities na bumalangkas ng implementing rules and regulations.